-- Advertisements --

Nanawagan ang Houthi rebels sa agarang paglikas ng mga tao mula sa international airport sa Aden, Yemen, kung saan nakabase ang kinikilalang pamahalaan ng bansa na suportado ng Saudi Arabia.

Ayon kay Houthi spokesperson Yahya Saree, ginawa ang babala dahil umano sa presensya ng isang Saudi military cargo aircraft na may kargang mga armas. Wala pang agarang pahayag ang mga awtoridad ng Saudi Arabia tungkol dito.

Ilang pagsabog naman ang narinig sa Aden bago inilabas ang babala, ayon sa mga residente. Paulit-ulit nang tinatarget ng Houthis, na kumokontrol sa kabisera ng Sanaa sa hilagang Yemen, ang paliparan na mahalagang daanan ng mga biyahero at humanitarian aid sa katimugang bahagi ng bansa.