-- Advertisements --
Humihingi ng tulong pinansiyal ang pamilya ng aktres na si Jorrybell Agoto.
Ito ay dahil nasa kritikal na condition ang aktres bunsod ng sakit nitong Lymphoma.
Si Jorrybell ay bida sa pelikulang ” Filipiñana” ang opisyal na entry ng bansa sa kategoryang “Best International Feature Film” para sa 2027 Oscars.
Sa social media account ng kapatid nitong si Jed, nanawagan ito sa mga opisyal ng gobyerno at sa publiko na tulungan sila sa gastusin nito sa pagamutan dahil sa patuloy ang pakikipaglaban sa cancer.
Nailipat kasi ang aktres sa Critical Care Unit (CCU) para sa monitoring matapos na bumagsak ang kaniyang blood pressure at ang kaniyang heart beat rate ay pumalo na sa 170 beats per minute.















