-- Advertisements --

Tiniyak ng House Prosecution ang kahandaan nito sa muling pagbabalik ng impeachment trial laban kay VP Sara Duterte sa Nobiyembre-9.

Sa kasalukuyan, sinabi ng panel na naghahanda na ito para i-cross examin ang mga saksing ihaharap ng kampo ni Vice President Sara Duterte

Para kay Lead Prosecutor Rep. Gerville Luistro, sa kabila ng wala pa ang opisyal na listahan ng mga iprepresentang testigo, sinimulan na ng panel ang paghahanda at pagtutok sa magiging punto at argumento ng kabilang panel.

Nakatakda ang mga susunod na pagdinig sa Nobyembre 9–13, 19–20 at 23.

Sa ngayon, nakatuon na lamang ang natitirang kaso sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman ni Duterte kung saan kabilang sa mga sinuri ng prosekusyon ang bank records, tax returns, SALN, insurance policies at mga pamumuhunan.

Kakailangangin namang isumite ng Defense ang listahan ng mga saksi, limang araw bago ang kanilang pagharap upang makapaghanda ang prosekusyon ng mga itatanong at masuri ang mga kaugnay na ebidensya.

Dahil sa naunang pag-withdraw sa tatlong impeachment articles, inaasahang mapapaikli ang pag-usad ng trial laban sa pangalawang pangulo.