-- Advertisements --
Inilabas na ng Department of Tourism (DOT) ang opisyal na kanta para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) 2026 na ito ay kinanta ng P-pop group na SB19.
Ang kantang “Together in Motion” ay ginawa ni Anya Lagman at inareglo nina Jimmy Antiporda at Louie Ocampo.
Nitong Hulyo ay pinangalanan ng DOT ang SB19 bilang Philippine tourism ambassador.
Magsisimula ang 49th ASEAN Summit mula Nobyembre 16-18 na ang host ay Pilipinas.
















