Ireretiro na ng Minnesota Timberwolves ang No. 21 jersey ng dating NBA star na si Kevin Garnett.
Gagawin ang retirement honors sa Target Center sa Feb. 28, 2027, sampung taon mula noong tuluyan siyang magretiro sa liga.
Kung babalikan, ginugol ni Garnett ang unang 12 taon ng kaniyang karera sa Wolves at naakay niya ang naturang koponan sa kauna-unahan nitong playoff appearance noong 1997.
Sa sumunod na walong season, tuloy-tuloy na nakapasok ang Wolves sa postseason hanggang sa makatuntong sila sa Western Conference Finals noong 2004.
Gayunpaman, na-trade sa Boston Celtics si Garnett kung saan niya nakuha ang kaniyang tanging NBA championship noong 2008.
Bumalik pa siya sa Minnesota noong 2015 ngunit tuluyan ding nagretiro sa sumunod na season.
Bago pa man ito, dati nang nagdesisyon ang Wolves na iretiro ang No. 21 jersey ni Garnett noong 2016 at mula noon ay hindi na pinayagan ang sinumang manlalaro ng Minnesota na isuot ang naturang jersey number.
Gayunpaman, hindi ito tinanggap noon ni Garnett dahil sa alitan nila ng dating Timberwolves owner na si Glen Taylor.
Matapos maibenta ang Wolves sa mga bagong may-ari, inaasahang dadalo na ang Minnesota legend sa isasagawang seremonya sa susunod na taon.
















