Nasa mahigit 900 pasahero sa Batangas Port ang hindi nakabiyahe dahil sa epekto ng bagyong Ursula.

Kinansela na kasi ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng mga RORO vessels at fastcraft sa Batangas Port na patungong Oriental Mindoro, Caticlan, Aklan at ibang bahagi ng Visayas matapos na isailalim ng PAGASA ang Batangas sa signal number 1.

Umaabot rin sa 79 na mga sasakyan ang nakatengga sa pantalan.

Patuloy pa rin ang pagbabantay ng mga coastguard sa pantalan para maiwasan ang anumang sakuna sa karagatan.