bomber3

Masasampulan na sa Anti-Terror Law ang siyam na babaeng hinihinalang suicide bombers na inaresto sa joint operation ng militar at PNP sa probinsiya ng Sulu.

-- Advertisement --

Ang pagkakahuli sa siyam na umano’y suicide bombers ay napigilan ang tangkang pagpapasabog at panggugulo sa probinsiya.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay JTF Sulu spokesperson 1Lt Jerrica Angelica Manongdo, sinabi nito na ang mga naarestong babae ay may ugnayan sa teroristang Abu Sayyaf sa Sulu.

Ayon naman kay JTF Sulu commander Maj. Gen. William Gonzales, mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9516 o “illegal / unlawful possesion, manufacture, dealing in, acquisition or disposition of firearms, ammunitions or explosives.”

Kinilala naman ni Gonzales ang mga naarestong suspected suicide bombers na sina Isara Jalmaani Abdujajan, 36; Jedah Abduhajan Amin, 28; Elena Tasum Sawadjaan Abun, 40; Firdauza Said; Nudsza Ismanu Aslun; Nurshahada Isnain; Linda Darun Maruji; Risa Jhalil at Sharifa Rajani.

Nakumpiska sa mga ito ang ilang mga gamit sa pagbuo ng isang improvised explosive device gaya ng switches, baterya, pipes, concrete nail, blasting caps, hinihinalang suspected ammonium nitrate, fuel oil at detonating cord.

Sinabi pa ni Manongdo, isinilbi ng mga pulis at sundalo ang warrant of arrest laban sa siyam na babae matapos makumpirma ang kanilang ugnayan sa teroristang grupo.

bomber1

Binigyang-diin ni Manongdo gagawin ng militar ang lahat para hindi na makapaghasik pa ng karahasan ang teroristang grupo.

Aniya, desperado na ang mga terorista na pati ang kanilang pamilya ay handa nilang isakripisyo.

Inaalam na rin ng militar ang natatanggap na pinansiyal na tulong ng teroristang Abu Sayyaf mula sa international terrorist group.