-- Advertisements --
Plano ngayon ng kumpanyang Rolls-Royce na tanggalin ang nasa 9,000 nilang empleyado dahil sa epekto na rin ng coronavirus pandemic.
Ayon kay Rolls-Royce chief executive Warren East na dahil sa krisis na dulot ng coronavirus ay posibleng magsara sila ng kanilang mga factory.
Karamihan sa mga empleyado na posibleng matanggal ay mula sa civil aerospace business.
Kapag nangyari ito ay makakatipid ang kumpanya ng 700 million kada buwan.
Mula kasi ng ipatupad ang lockdown ay maraming mga flights ang kinansela sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Kilala ang nasabing kumpanya na gumagawa ng mga makina ng Boeing 787 at Airbus 350 sa buong mundo.