-- Advertisements --

Pinaigting pa ng Department of Health (DoH) ang distribusyon ng special risk allowance sa mga health frontliners.

Ayon kay DOH Asec. Maylene Beltran, nasa 87 percent na ang kanilang pamamahagi ng nasabing benepisyo o katumbas ng 526,727 eligible recipients nationwide.

Maging ang mga non-medical workers, tulad ng utility personnel ay isinasama na rin sa bibigyan ng dagdag na suporta.

Kaugnay nito, humihingi ang DoH ng dagdag na P2,7 billion para mapunan ang healthcare workers’ benefits.