Bahagyang mas mababa ang naitala ng Department of Health (DOH) na 8,564 na karagdagang kaso ng COVID-19 kumpara nitong nakalipas na Huwebes.
Nasa ikaapat na araw na rin ngayon na mababa pa sa 10,000 ang naitatala ng DOH sa mga nagkakasakit sa daily tally.
Sa ngayon nasa 3,594,002 na ang kabuuang tinamaan ng virus sa Pilipinas mula noong nakaraang taon.
Mayroon namang nairekord na 10,474 na mga gumaling at 46 na pumanaw.
Ang death toll sa bansa ay nasa kabuuang 54,214 na.
Sa kabila nito ang mga aktibong kaso na 151,389 ay nasa ikapitong araw na rin na pababa ang bilang.
Samantala, ang kabuuang gumaling na sa bansa mula sa coronavirus ay nasa 3,388,399.
Mayroon namang anim na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.
Sinasabing ang 24.3% positivity rate ay ang pinakamababa na mula noong January 1 nitong taon.