-- Advertisements --
Yanson bus bacolod ceres
Yanson / Bacolod photo

BACOLOD CITY – Nagdadasal ngayon ang Yanson matriarch na sana makinig ang tatlo pa niyang mga anak sa panawagan ng kanilang nakatatandang kapatid na lumapit na sa kanya sa gitna ng away nilang magpamilya.

Ito ay kasunod ng pagbisita na sa kanya ni Roy nitong nakaraang Linggo matapos ang pag-offer nito ng reconciliation sa gitna ng kontrobersiyal na agawan nila ng posisyon sa Vallacar Transit Incorporated, ang pinakamalaking bus company sa Pilipinas.

Ngunit sinabi ni Roy sa press conference kahapon na hindi nila ibabalik ang share ng kanilang ina na si Olivia kasunod ng inihayag nitong reconciliation.

Ito ay dahil nag-aalala sina Roy at kakampi nito sa tinaguriang “Fantastic 4” na sina Ma. Celina Yanson-Lopez, Emily at Ricardo Jr. na ibibigay lang din ng kanilang ina ang share nito sa presidente at chief executive officer ng Yanson Group of Bus Companies na si Leo Rey at isa pa nilang kapatid na si Ginnete Yanson-Dumancas.

Ngunit nanawagan si Olivia na respetuhin siya bilang ina ng kanyang mga anak at bilang co-founder ng kompaniya.

-- Advertisement --

Kasabay nito ang kanyang panawagan kina Ma. Celina Yanson-Lopez, Emily at Ricardo Jr. na “kalimutan na ang galit, inggit at pagkasakim at lumapit na sa kanya.”

Sinabi rin nito na dapat na tigilan na ng kanyang mga anak ang away dahil baka walang matira sa susunod na henerasyon ng mga Yanson.

Ceres vallacar transit
Ceres transit

Nagtatanong ngayon ang matriarch kung gaano kabigat ang hinihingi nito na sa takipsilim ng kanyang buhay ay makitang nagkakasundo ang kanyang mga anak.

Napag-alaman na 85-anyos na ngayon ang Yanson matriarch at aminado ito na ilang taong na rin lang ang kanyang ilalagi sa mundo.