-- Advertisements --

Hinangaan ang 78-anyos na lola sa Britanya dahil sa pagsabak nito sa IRONMAN Challenge.

Si Edwina Brocklesby ang tinaguriang “IronGran” ay lumahok sa pinakamatinding triathlon challenge sa buong mundo.

Binubuo ito ng 2.4 milya na paglalangoy, 112 milya ng pagbibisikleta at full 26.2 milya marathon.

Sinabi nito na lumahok na ito sa 10 Ironman race challenge kung saan anim sa mga ito ang kaniyang natapos.

Sinabi nito na noong 50-anyos pa lamang siya ng magkainterest siyang lumahok ng challenge.

-- Advertisement --

Tumakbo ito ng half marathon sa edad 52 ang unang sinalihan niya.

Pumirma na rin ito para lumahok sa 2023 Race Across America (RAAM).