NEPAL
Nepal Map
-- Advertisements --

Nasa 77 katao na ang nasawi sa nangyarin malawakang pagbaha sa Nepal.

Nagdulot ng pagbaha ang ilang araw na walang tigil na pag-ulan.

Sa nasabing bilang ay 24 dito ay naiulat sa Panchthar district, 13 sa Ilam at 12 sa Doti region.

Ayon kay Interior ministry official Dil Kumar Tamang na 22 katao ang nasugatan at 26 pa ang nawawala.

Tiniyak ng gobyerno na kanilang bibigyan ng $1,700 na tulong pinansiyal ang mga naapektuhang pamilya.

-- Advertisement --