-- Advertisements --

Pumalo sa 7,186 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, pinakamataas magmula noong Hunyo 13.

Ayon sa Department of Health, hindi pa kasama sa bilang ang datos mula sa 13 laboratoryo na hindi nakapagsumite sa COVID-19 Data Repository System.

Sa ngayon, 1,562,420 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, kung saan 56,477 dito ang active cases.

Base sa latest data na inilabas ng DOH ngayong hapon, 72 ang bagong namatay, dahilan para umakyat ang death toll sa 27,318.

Iniulat din ng kagawaran na 5,672 ang gumaling, na may kabuuang bilang na sa ngayon na 1,472,625.