-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pitong rebel returnees ang pinagkalooban ng kapakinabangan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sgt. Dave Pascua ng 86th Infantry Battalion Philippine Army, sinabi niya na tumaggap ng tig-P5,000 tulong pinansiyal 7 dating rebelde na bahagi ng kanilang livelihood assistance sa ilalim ng E-CLIP.

Sinabi ni Sgt. Pascua na sinikikap nilang maibigay ang lahat ng mga benipisyong para sa mga dating rebelde na nagbalik loob na sa pamahalaan.

Matapos maibigay sa kanila ang kanilang cash assistance ay hinhintay pa ang kanilang ayuda mula sa kanilang firearms re-enumeration na naisumite na sa tanggapan ng DILG.

Maliban sa benipisyo mula sa E-CLIP ay nakatanggap rin ng ayuda mula sa Social Amelioration program ang mga naturang dating rebelde mula sa kani-kanilang munisipalidad.

Tiniyak naman ni Sgt. Pascua na bagamat may kabagalan ang proseso sa pagbibigay ng ayuda ay tiniyak niti na matanggap ito ng buo ng mga dating rebelde.

Samantala, tuloy tuloy pa rin ang kampanya ng militar laban sa insurhensiya pangunahin na ang pagrerecruit ng mga NPA sa mga kabataan na pumasok sa kilusan.

Sinabi pa ni Sgt. Pascua na palagi ang kanilang panawagan sa mga magulang o mga guardian ng mga kabataan na maging mapanuri sa mga panlilinlang na estratehiya ng makakaliwang grupo para makapag-recruit.