Kasama ang pitong Filipino sa listahan ng Forbes Asia 30 under 30 ngayong taon.
Ang mga ito ay kinilala sa iba’t-ibang larangan.
Nanguna dito ang rapper na si EZ Mil na siyang nakapansin sa ilang sikat na rapper gaya nina Dr. Dre at Eminem.
Pumirma kasi sa kontrata ang Pinoy rapper sa mga label company nina Dr. Dre at Eminem.
Kabilang din si Abi Marquez o kilala bilang “Lumpia Queen” na mayrong ilang milyong followers sa social media.
Kinilala si Marquez sa 2024 People’s Voice Award for Food and Drink in Social sa 2024 Webby Awards sa New York.
Kasama rin sa listahan si Chia Amisola na isang Filipino internet artis na nagtaguyod ng Developh isang tumitingin sa mga internet archives ng Pilipinas kung saan kinilala na ito sa iba’t-ibang bansa at ang bagong proyekto nito ay ang “Ang Bantayog” na siyang kumikilala sa mga biktima ng human rights abuses sa ilalim ng Martial Law.
Kasama rin sa listahan ang dancer at theater artist na si Joshua Serafin na Belgium base na ngayon at nagtanghal na sa iba’t-ibang bansa.
Isa rin na nasa listahan si Mikaela Helene Reyes na siyang nagtaguyod ng Parallax ang mas mura sa paglipat ng cryptocurrency at blockchain.
Nasa huling listahan naman si Amanda Cua na nagtaguyod ng Backscoop isang newsletter na siyang tumatalakay sa teknolohiya sa Southeast Asia.