-- Advertisements --
death toll 2

Umabot na sa halos 200 ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa bansa.

Sa huling data ng Department of Health (DoH), 193 na ang kaso ng COVID-19 dito sa Pilipinas.

Pero sa kabilan ng tumaas na bilang ng kaso ng naturang virus ay nadagdagan din naman ang bilang ng mga naka-recover na ngayon ay pito na.

Sa ngayon ay 14 na ang naitalang namatay dahil pa rin sa naturang sakit.