-- Advertisements --
Arestado ang anim na lalaki at isang babae sa magkakahiwalay na anti-drug operations ng PNP sa Makati City.
Naaresto ang target na si Ryan at alyas Carlito kung saan nakuhanan ang mga ito ng anim na gramo na pinaniniwalaang shabu sa barangay Cembo.
Sinabi ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, na konektado ang mga ito sa isang drug group.
Hinuli din ang on-call waiter na si alyas Randy sa buy-bust sa Barangay Palanan.
Nasa P72,000 halaga ng droga ang nakuha sa susek.










