Kinumpirma ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na 68 trainees ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nagpositibo sa COVID-19 virus.
Ayon kay Magalong, kaniya nang hiniling kay BFP chief Gen. Jose Embang Jr. na suspendihin na ang training as early as June 12 subalit ipinagpatuloy pa rin ng BFP regional office ang pagsasanay.
Hiniling din ni Magalong kay Embang na imbestigahan kung bakit hindi sinunod ang kaniyang hiling.
Magugunita na noong nakaraang linggo hiniling na ni Magalong sa BFP at Philippine National Police (PNP) na itigil muna ang kanilang pagsasanay sa siyudad matapos mabatid na nagkaroon ng lapses sa compliance ng health and safety protocols.
Nauna nang nagpahayag ng pagsunod ang PNP sa utos ng alkalde.
Sa datos ng siyudad as of Saturday mayroong 541 active COVID-19 cases ang Baguio mula sa kabuuang bilang na 14,935 infections.