-- Advertisements --
Walang plano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magbitiw sa puwesto.
Kasunod ito sa pagbubunyag ng kapatid niyang si Senator Imee Marcos na gumagamit ng droga ang pangulo.
Sinabi ni Communications Undersecretary Claire Castro na pawang mga supporters ni Vice President Sara Duterte ang nanawagan na magibitiw ang pangulo para siya ang pumalit.
Dagdag pa ni Castro na abala ang pangulo sa pagtatrabaho para sa kabutihan ng bansa.
Ang nasabing alegasyon ni Sen. Imee Marcos ay matagal ng naipaliwanag na noon at ito ay muling inuulit dahil sa wala ng ibang maibatong isyu.















