-- Advertisements --

Patay ang 63 katao dahil sa naganap na malaking sunog sa limang palapag na gusali sa Johannesburg sa South Africa.

Pumalo na sa 43 ang sugatan na naitakbo ang mga ito sa pagamutan.

Maaring madagdagan pa ang bilang ng nasabing nasawi dahil sa nagtamo ng malubhang sugat ang ilang mga biktima.

Ayon kay emergency services spokesperson Robert Mulaudzi na dinala pa sa ibang mga pagamutan sa ibang bayan ang mg sugatang biktima.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing sunog.