-- Advertisements --
facebook 1587800968286 6659719952487797368

CEBU CITY – Nakapagtala na naman ng 63 panibagong kaso ng Coronavirus disease (COVID-19) nitong Sabado ng hapon ang Cebu City at lahat ng mga ito ay nagmula sa Cebu City Jail.

Sinabi ni Cebu City Mayor Edgar Labella na nakipag-coordinate na ngayon ang Cebu City Health Department sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pag-adopt ng agarang hakbang upang matugunan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa loob ng jail facility.

Patuloy naman ang isinagawang contact tracing, testing at confinement protocols ng miyembro ng City Health sa loob ng Cebu City jail.

Nananawagan naman ngayon ang opisina ng BJMP Region 7 sa publiko na manatiling kalmado at iwasan ang pagpapakalat ng mga negatibong ispekulasyon at impormasyon.

Sa ngayon, ang Cebu City ay may 411 na kabuuang kumpirmadong kaso ng naturang deadly virus.