Umakyat muli sa higit 6,000 na bagong kaso ng COVID-19 ang iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw ng Biyernes.
Resulta ng submission ng 98 mula sa 103 na laboratoryo ang 6,216 new confirmed cases kaya ang total ngayon ay nasa 153,660 na.
Mula sa mga bagong kaso, pinakamarami pa rin ang naitala sa Metro Manila na nasa higit 3,000. Sumunod ang Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan, na pare-parehong nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine.
Karamihan sa mga bagong kaso ang nag-positibo niotong buwan, pero may mga inireport din na nagpositibo sa pagitan ng buwan ng Marso at Hunyo.
Ang active cases o mga kumpirmadong kaso na nagpapagaling ay nasa 79,813.
Nasa 1,038 na bagong recoveries naman ang reported ngayong araw, kaya may total nang 71,405.
Samantalang 16 na bagong namatay ang iniulat, na may total nang 2,442.
















