LEGAZPI CITY – Gumuho ang nasa 60-meters na mga bato at lupa sa boundary ng bayan ng Bato at Virac sa Catanduanes dahil sa matinding ulan na dala ng Bagyong Bising.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Catanduanes Emergency Operations Center chief Roberto Monterola Jr., hindi pa ”geologically stable” ang naturang lugar.
Dahil kasi sa patrabahong road widening matapos ang Bagyong Rolly ng 2020, nagkaroon ng blasting sa bahagi ng bundok at nagkaroon ng cracks ang mga bato.
Pinaalalahanan naman ng PNP at DPWH ang mga motorista na huwang munang dumaan sa lugar dahil delikado.
Samantala sa San Miguel, pitong barangray ang isolated matapos na masira ang bahagi ng spillway sa Obo ng tumaas ang tubig sa Bato river.
Tiniyak rin ni Monterola na batay sa report ng San Miguel MDRRMO, naka-preposition ang foodpacks para sa Brgy. Patagan Salvacion, Patagan Sta. Elena, Obo, Dayawa, Siay Pacogon at Aroyao Saday dahil inasahan na ang insidente.