-- Advertisements --

Nasa 60,000 na mga manggagawa ang mawawalan ng trabaho dahil sa paghina ng kalakalan at turismo sa bansa dahil sa banta ng coronavirus disease o COVID-19.

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, aabot rin sa isang porsyento ang matatapyas sa growth target ng bansa.

Dagdag pa nito na ang nasabing pagtaya ay kung matatapos ang problema sa COVID-19 hanngang buwan ng Hunyo.

Mawawalan din ang gobyerno ng hanggang P187 bilyon dahil sa apektado it ng virus.