LAOAG CITY – Epektibo simula ngayong linggo at magtatagal ng 60 araw ang price freeze dito sa Ilocos Norte.
Ito ang ipinaalam ni Mr. Dominador Alberto mula sa Consumer Protection Division ng Department of Trade and Industry.
Ayon kay Alberto, ang nasabing price freeze ay maipapatupad matapos ideklara sa Ilocos Norte ang State of Local Health Emergency dahil sa outbreak ng rabies cases.
Sinabi ni Alberto na kabilang sa price freeze ay ang mga basic necessities gaya ng delata, kape, gatas, tinapay, sabon at iba pa maliban lamang sa mga prime commodities.
Ani Alberto na ang mga pangunahing establishimento na magpapatupad ng price freeze ay ang mga sumusunod sa suggested retail price.
Una rito, inihayag ni Alberto na maaring humarap ng kaso at maimbestigahan ang sinoman na hindi sumunod sa price freeze.
Aniya, agad na naipapatupad ang price freeze sa lugar kung saan may deklarasyon ng state of emergency dahil nakapalaob ito sa batas ng departamento.
Una ng ipinaalam ni Dr. Joseph Adaya ng City Health Office na nakahanda ang iba’t-ibang health office dito sa probinsya kung saan kumpleto ang suplay ditoy sa lungsod ng Laoag.
Sinabi ni Adaya na maraming residente na ang nagtutungo sa kanilang opisina dahil sa pagkaalarma sa rabies.
Maalala na sa huling datos ng Ilocos Regional Epidemiology and Surveillance Unit ay may 11 rabies cases na naitala simula Enero hanggang noong Mayo.
Samantala, plano naman ng Department of Health dito sa probinsya na matapos ang rabies deaths hanggang 2027 at magawang rabies-free ang Pilipinas hanggang 2030.