-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang gobyerno sa paggawa ng paraan upang hindi maantala ang lahat ng uri ng logistics dahil sa rehabilitasyon ng San Juanico Bridge.

Dahil dito ay inaprubahan na ng Maritime Industry Authority ang bagong ruta ng barge na magmumula sa Tacloban patungong Eastern Samar.

Naisakatuparan ang hakbang na ito sa tulong ni Department of Public Works and Highways Regional Director Edgar Tabacon kasama ang OCD.

Ayon naman sa gobernador ng Eastern Samar na si Governor Ben Evardone, malaki ang maitutulong ng bagong rutang ito para mapagaan at mapabilis ang biyahe ng lahat ng mga pangunahing produkto mula sa magkalayong lugar vice versa.

Nagpaabot rin ito ng pasasalamat sa MARINA, DPWH, at OCD dahil sa mabilis na aksyon nito sa pag apruba sa bagong ruta.

Ito ay bahagi rin ng mga inisyatibo ng pamahalaang panlalawigan na naglalayong mapalakas ang imprastraktura sa transportasyon sa lalawigan at makabuo ng mga alternatibong ruta lalo na at isasailalim ang San Juanico Bridge sa rehabilitasyon.