-- Advertisements --

Dahil sa mabuting pamamahala bilang global leader, muling nakatanggap ng parangal ang Securities and Exchange Commission mula sa Cambridge International Finance Advisory.

Ang Cambridge International Finance Advisory ay matatagpuan sa London.

Ang SEC ay nakatanggap ng ilang mga pagkilala at parangal sa loob ng limang taon.

Natanggap ng SEC ang 3G Leadership Award for Advocacy and Commitment to Corporate Governance at 3G Championship Award in ESG Practice sa ginanap na 10th Annual Awards Ceremony sa Brunei, Darussalam.

Ayon sa ahensya, ang katulad na award ay iginagawad sa mga institusyon na nagpapamalas ng masusing pagtutok sa maayos na pamamahala sa mga korporasyon.

Giit pa nito na ang parangal na kanilang natanggap ay nagpapatunay ng kanilang dedikasyon sa pagtitiyak ng integridad at transparency sa kanilang hanay.