-- Advertisements --

Kompleto na ang anim na mga teams sa NBA Eastern Conference matapos na humabol ang New York Knicks at Miami Heat sa laro kanina.

Sa ngayon ang No. 1 sa Eastern ay ang Philadelphia Sixers, sinusundan ito ng Brooklyn Nets, Milwauke Bucks, Atlanta Hawks at ang Miami na umangat sa number 5, at panghuli ang Knicks.

Apat naman na mga teams ang sasabak muna sa tinatawag na play-in round para mag-qualify ang dalawang pang teams.

Sa Western Conference, isang slot na lamang ang nag-aantay, matapos na unang pumasok ang Utah Jazz, Phoenix Suns, Los Angeles Clippers, Denver Nuggets at Dallas Mavericks.

Ang Portland Trail Blazers at NBA defending champion ay nag-aagawan pa sa No. 6 slot.

Tatangkain ng Lakers na makaiwas sa disaster kung makakapit sa huling slot sa NBA playoffs at hindi mapunta sa play-in tournament.