ROXAS CITY – Sugatan ang anim na katao kabilang na ang limang menor de edad matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Brgy. Tabuc Sur, Panit-an, Capiz.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Panit-an PNP na galing sa Barangay Timpas, Panit-an ang isang motorsiklo sakay ang apat na mga menor de edad nang biglang nag-overtake sa kanila ang isang sasakyan.

-- Advertisement --

Dahil dito ay nawalan ng balanse ang nasabing motorsiklo at sumalpok sa nakasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Denmar Santiago, 27, ng Barangay Quios, Panit-an.

Dahil sa impact ng banggaan, nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktima na kaagad dinala ng emergency response team sa ospital.