-- Advertisements --

Anim na presidentiables habang apat na vice presidentiables namana ang kumpirmado nang makikilahok sa PiliPinas Forum 2022 na nakatakdang i-ere sa susunod na linggo.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia, kabilang sa mga naturang kandidato sa pagkapangulo ay sina Ernesto Abella, Leody de Guzman, Norberto Gonzales, Faisal Mangondato, Jose Montemayor, at Senator Manny Pacquiao.

Kumpirmadong sasali rin ang ilan sa mga vice presidential candidates na sina Rizalito David, Manny Lopez, Senate President Tito Sotto, at Carlos Serapio.

Ayon kay Garcia, ito na ang pinal na listahan ng mga kandidatong lalahok sa PiliPinas Forum 2022 na isasagawa sa pamamagitan ng panel interview sessions sa pakikipagtulungan ng Comelec sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP).

Gaganapin ang nasabing forum mula May 2 hanggang May 6 sa gandap na alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Magmumula ang mga panelist sa Bombo Radyo Philippines, Radio Mindanao Network, ABS-CBN Broadcasting Corp. (Teleradyo and ANC), TV5 Network Inc. (One PH and OneNews). CNN Philippines, at Radyo Pilipino.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Garcia na hindi makakadalo ang ibang mga kandidato para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa kadahilang conflict ito sa kanilang mga schedule.

Ang PiliPinas Forum 2022 ay binuo bilang pamalit sa PiliPinas Debate 2022 matapos na umusbong ang issue ng contractor nito na Impact Hub Manila sa Sofitel Hotel na venue naman ng nasabing event.