Patay ang anim na katao sa nangyaring dalawang magkahiwalay na avalanche sa Austrian alps.

Lima sa mga nasawi ay pawang mga Czech nationals ang nasawi sa Dachstein region.

Ayon sa mga kapulisan naabutan ang mga biktima habang nagsasagawa ng snowshoeing trip sa may taas na 9,200 talampakan.

Sa isang insidente ay patay ang isang 33-anyos na pulis sa southern Carinthia region.

Gumamit naman ng mga helicopters ang mga rescuers para mailigtas ang mga biktima.