CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng City Government ng Santiago na nakapagtala ng anim na panibagong nagpositibo sa COVID-19.
Ang nagpositibo ay si CV 3850, 31 anyos na babae, residente ng barangay Rosario, isang assistant vendor sa palengke na walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nakasalamuha si patient CV 3728.
Kabilang din ang nagpositibo si CV 3851, 62 anyos na lalaki ng barangay Sagana, isang market vendor, walang kasaysayan ng paglalakbay ang pasyente na mayroong hypertension, asthma at nakaranas ng ubo at hirap sa paghinga.
Si CV 3858 naman ay 36 anyos na lalaki mula sa barangay Divisoria, security guard sa isang hotel na walang kasaysayan ng paglalakbay.
Siya ay nakaranas ng hirap sa paghinga
Kabilang pa rin sa nagpositibo sa virus si CV 3868, 34 anyos na lalaki, residente ng barangay Sinsayon, isang Police Officer, walang kasaysayan ng paglalakbay at nakaranas ng pag-ubo.
Si CV 3880 ay 37 anyos na babae, residente ng barangay Sinsayon, isang health care worker at walang kasaysayan ng paglalakbay.
Siya ay nakaranas ng lagnat at na-admit sa isang Hospital.
Si CV 3881 ay 49 anyos na babae, residente ng barangay Calao East, market vendor, walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nakasalamuha si CV 3728
Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga pa rin ng Adventist Hospital si CV 3880 samantalang nasa LGU Isolation Facility naman si CV 3881 nasa pangangalaga naman ng SIMC si CV 3850 samantalang nakatakdang ilipat sa SIMC si CV 3851 habang nasa LGU Isolation at Quarantine Facility na ang natitirang iba pa.