-- Advertisements --
POGO

Anim na Chinese illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers sa bansa ang paunang lilipad pabalik ng China.

Bahagi ito ng deportation effort ng pamahalaan sa mga Chinese na iligal na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) companies sa bansa.

Mula sa kanilang detention facility sa Camp Bagong Diwa ay dinala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang naturang mga Tsino para sa kanilang deportation pabalik ng China.

Sila ay sumakay sa Philippine Airlines flight PR 316 patungong Wuhan,China kaninang hapon.

Ngayong araw na ito ang simula ng deportation sa undocumented foreign nationals na nagtatrabaho sa ilang POGO companies sa bansa.

Bukod sa anim na illegal POGO workers, dalawang iba pang Chinese ang pina-deport din dahil sa pagiging overstaying sa Pilipinas.