-- Advertisements --
Nagpapatuloy ang ginagawang search ang rescue operations ng mga otoridad sa Indonesia matapos ang pagtama ng 5.6 magnitude na lindol noong nakaraang araw.
Sa pinakahuling operasyon ng National Agency for Disaster Management (BNPB) ng Indonesia ay nailigtas nila ang anim-na taong gulang na batang lalaki mula sa mga gumuhong bahay nila.
Si Azka Maulana Malik ay nahukay ng mga rescuer mula sa mga gumuhong gusali sa bayan ng Nagrak sa Cugenang subdistrict.
Nakita ang bata katabi ng kaniyang nasawing lola kung saan agad itong dinala sa pagamutan.
Pumalo na sa 271 ang nasawi habang mahigit 40 katao pa ang naiulat na nawawala.