-- Advertisements --

Nasa 55 mga inmates ang patay matapos ang naganap na riot sa Brazil.

Unang natagpuan ang 15 inmates nitong Linggo at karagdagan 40 ang nakitang patay sa isang kulungan sa Manaus City ang kapital ng Amazonas.

Ayon kay Governor Wilson Lima, ang nasabing pagkamatay ng mga inmates ay may kaugnayan sa awayan ng iba’t-ibang drug groups.

Dahil sa pangyayari ay siyam na mga gang leaders ang inilipat sa maximum security prisons.

Karamihan sa mga namatay ay sinaksak gamit ang pinatulis na sipilyo habang nag iba ay sinakal.

Binatikos naman ng human rights groups ang gobyerno dahil sa nasabing kapabayaan.