Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng mas mataas na bilang ng mga nag-test positive sa COVID-19 dahil sa 538 na bagong kaso ng sakit.
Mula sa higit 1,500 cases kahapon, pumalo na ng 2,084 ang COVID-19 cases sa bansa ngayon.
Sa kabila nito, patuloy na nadagdagan ang bilang ng mga gumaling.
Matapos na hindi gumalaw ang toll recoveries mula Linggo ay may pitong bagong recoveries.
Anim ang lalaki, kasama ang isang Filipino-American national; at isa ang babae. Lahat sila ay na-discharge sa pagitan ng mga petsang March 28 at March 31 matapos maging asymptomatic at mag-negative sa isang test.
Sa kasamaang palad, may 10 rin na dumagdag sa death toll na ngayon ay may total ng 88.
Walo ang lalaki, habang dalawa ang babae.
Karamihan sa kanila ay walang travel history o known exposure sa sakit. Hindi naman kumpirmado ang sa iba.
Kabilang sa cause of death nila ang Acute Respiratory Distress Syndrome, Acute Respiratory failure at pneumonia.
Halos lahat din sila ay may iba pang iniindang karamdaman tulad ng hypertension.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, bukod sa mas maraming supply ng test kits at extended capacity ng mga laboratoryo, asahan na dadami pa ang bilang ng mga kaso dahil sa pag-amiyenda nila sa panuntunan ng testing.