-- Advertisements --

CEBU CITY — “All set” na ang inaabangang pontifical mass sa 500 Years of Christianity sa Pilipinas na gaganapin bukas sa Magellan’s Cross, lungsod ng Cebu kung saan aabot sa 700 bisita ang makakadalo.

Ayon kay Rev. Fr. Mhar Vincent Balili, ang secretary-general ng executive organizing committee ng nasabing selebrasyon, na dadating pa rin si Papal Nuncio to the Philippines na si Archbishop Charles Brown upang manguna sa nasabing misa.

Ito’y kahit na hindi makakadalo ang ibang mga pari at obispo mula sa Luzon at Mindanao dahil sa mas lumalalang COVID-19 situation sa bansa.

Bago ang misa, isasara sa publiko ang Plaza Sugbo at tanging mga imbitadong bisita lang ang makakapasok sa loob.

Kaya naman inanyayahan ni Fr. Balili ang publiko na maaari pa ring maging bahagi ng pambihirang pagdiriwang sa pamamagitan ng iba’t ibang streaming platforms

Samantala, sinabi naman ni Cebu City Police Office (CCPO) Director PCol. Josefino Ligan na nalilibutan ang nasabing venue ng 400 police personnel upang masigurong ligtas ang pagdiriwang.

Tutulong naman aniya ang 200 personnel mula sa Crisis Response Battalion mula sa Regional Headquarters upang masunod ng lahat ang mga health protocols sa loob.

Malaki ang pasasalamat naman ng ilang mga opisyal sa Cebu City matapos na idineklara ng Malacañang ang Abril 14 bilang special non-working holiday sa lungsod kaugnay sa makasaysayang selebrasyon.