-- Advertisements --

Nasa 50 katao ang nasawi sa naganap na airstrike sa Myanmar.

Naganap ang insidente sa bayan ng Kantbalu sa Sagaing region.

Tinarget ng military ang lugar dahil ito ang pinamumugaran ng mga miltanteng grupo.

Ang Sagaing region ay malapit sa pangalawang pinakamalaking lungsod na Mandalay ang siyang lugar na may komokontra sa pamumuno ng militar.

Mula pa kasi noong Pebrero 2021 ay naging magulo na ang bansa na naapektuhan ang kanilang ekonomiya.

Tinanggal sa pamamagitan ng kudeta ang kanilang lider na si Augn San Suu Kyi.

Kinondina naman ng United Nations at mga Human Rights group ang ginawa na ito ng Myanmar military,