-- Advertisements --

Patay ang limang katao habang sugatan ang 13 iba pa matapos na araruhin sila ng isang sasakyan sa Guangzhou, China.

Naaresto naman ng mga kapulisan ang 22-anyos na suspek at ito ay kanila ng iniimbestigahan.

Naganap ang insidente sa mataong lugar kung saan marami ang abala sa pamimili.

Tinangka pa ng suspek na banggain ang isang pulis na naka-motorsiklo subalit ito ay nakaiwas.