LAOAG CITY – Inihayag ni Dr. Cheryll Didi Obra, Dean ng College of Health Sciences, anim mula sa Mariano Marcos State University ang topnotchers sa April 2026 Pharmacist Licensure Examination at kinokonsiderang No. 1 Pharmacy School sa buong Pilipinas ang nasabing unibersidad na may 90.43% passing rate.
Aniya, ang anim na topnotchers ay sina:
Rank 2 – Kyla Camille Semana Ortal
Rank 3 – Hendrix Rob Bueno Cleto
Rank 7 – Gizelle Dhaye Salvatierra Damo
Rank 8 – Sofia Carranza Peralta
Rank 9 – Jelsey Miarah Melchor Velo
Rank 10 – Cyrus Strauss Vicente Opeña
Ayon kay Dr. Obra na dahil sa magandang resulta ng board examination, umaasa siyang mas marami ang mag-eenrol sa Bachelor of Science in Pharmacy program.
Paliwanag niya, ang tagumpay na ito ay patunay na kaya nilang makipagsabayan sa mga elite school sa National Capital Region at iba pang State Universities and Colleges sa buong bansa.
Kaugnay nito, ipinagdasal ni Ms. Kyla Camille Ortal, Rank 2 sa April 2026 Pharmacist Licensure Examination sa Diyos na kapag hindi siya naging Rank 1 sa board examination ay magiging Rank 2 o Rank 3 hanggang Rank 10 basta’t makapasok siya sa topnotchers.










