-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Limang kasapi ng New Peoples (NPA) kasama ang isang menor de edad ang sumuko sa mga kasapi 86th Infantry Battalion, Philippine Army na nakahimpil sa Quirino.

Ang mga sumuko ay sina alyas Daren, 22 anyos; Alyas Dario, 23 anyos; alyas Lenlen 17 anyos; alyas Jackson 21 anyos at alyas Lea, 31 anyos, pawang residente ng Maddela, Quirino.

Sinabi ng mga sumuko na pinangakuan sila ni alyas Wallen ng magandang buhay kapalit ng kanilang pagsapi sa rebeldeng pangkat subalit dahil sa implementasyon ng community support program ng 86th Infantry Battalion kasama ang ilang ahensya ng pamahalaan ay naliwanagan ang mga mamamayan ukol sa mga nakalatag na programa at proyekto ng pamahalaan.

Dahil dito, ang mga residente na mismo ang nanghihikayat sa kanilang mga kamag-anak na kasapi ng rebelde na sumuko sa pamahalaan.

Sa ngayon, ay pinoproseso na ang mga dokumento at papeles ng limang sumukong NPA upang sumailalim sa alternative learning system na programa ng Department of Education.

Maliban pa sa pagsasanay na isinasagawa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang magkaroon ng oportunidad na maghanap-buhay at madagdagan ang kanilang kaalamang teknikal.