-- Advertisements --
Nasawi ang limang katao at marami ang nasugatan sa drone attacks ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky na apat na magkakamag-anak kabilang ang 15-anyos na dalagita ang nasawi sa drone strike sa Lapaivka sa Lviv region.
Dahil sa insidente ay nawalan ng suplay ng kuryente ang nasabing lugar.
Agad naman na pinalipad ng Poland ang kanilang fighter jets matapos ang insidente sa Ukraine na kanilang border lamang.
Una ng sinabi ng Russian defense na matagumpay ang kanilang pag-atake na ang target ay ang military at infrastructure ng Ukraine.