May binuo na ang Department of Justice (DoJ) na panel of prosecutors na tututok sa reklamong inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay KAPA Community Ministry International Inc. founder Pastor Joel Apolinario at 13 opisyal nito.
Sa ipinalabas na kautusan ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, itinalaga nito ang limang prosecutor para magsagawa ng preliminary investigation laban sa KAPA.
Pangungunahan nito ni Assistant State Prosecutor (ASP) Ma. Lourdes Uy bilang chair ng panel at tatayong miyembro naman sina, ASP Consuelo Corazon Pazzluagan, Xerxes Garcia, Jeanette Dacpano at Assistant Prosecution Attorney Luis Miguel Flores.
Kasabay nito, iniutos na rin ni Prosecutor General Malcontento ang pagsusumite ng mga dokumento sa binuong panel na may kaugnayan sa limang bilang ng paglabag sa Sec. 8 at 26 ng Securities Regulations Code at ang walong bilang na paglabag sa Art 315 ng Revise Penal Code o syndicated estafa.
Inaashana namang kaagad na magpapalabas ng subpoena ang panel para sa mga respondent at complainant.