-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng tatlong taon ang limang teenagers sa Hong Kong dahil sa paglahiok sa kilos protesta laban sa gobyerno.

Ito ang unang pagkakataon na maipatupad ang national security law sa korte laban sa mga edad 18 pababa sa Hong Kong.

Ipinakilala ng China ang nasabing batas para madaling mabigyan ng kaparusahan ang mga protesters noong 2020.

Karamihan sa mga kumontra sa gobyerno kasi ay nakakulong na at ang iba naman ay tinanggal sa puwesto ang mga opposition na pulitiko.

Ang mga kabataan na edad 16 hanggang 19 ay mga miyembro ng Returning Valiant ang pro-Hong Kong independence group.