Arestado ang limang katao na hinihinalang miyembro ng sindikato ng droga sa lungsod ng Makati.

Sinabi ni Police Col. Rogelio Simon, umabot sa dalawang buwan na kanilang minanmanan ang grupo bago isagawa ang operasyon.

Nakatakas naman ang tinaguriang lider ng grupo at tanging mga miyembro lamang nito ang kanilang naaresto.

Nakuha sa mga suspek ang 50 sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana, 7 sachet na naglalaman ng shabu at high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P12,000.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga suspek.

-- Advertisement --