Reading Time: 1 minute
Senator Imee Marcos
Senator Imee Marcos/ FB photo

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Sen. Imee Marcos na umabot na sa 49 libong miyembro ng 4P’s ang natanggal sa buong Region I.

Ayon kay Marcos, ang nasabing bilang ay naitala simula noong 2007 kung saan nagsimula ang nasabing programa.

Sinabi ni Senador Marcos na ilan sa mga natanggal na 4Ps ay dahil sa matigas ang kanilang ulo habang ang iba ay gumanda na ang kanilang buhay.

Samantala, sinabi ng senadora na dapat mapag-aralang mabuti ang nasabing programa dahil matagal na itong naipatupad.

Dagdag niya na dapat tulungan ay yung mga may sakit, PWDs at mga bed ridden.