Nasa 46 katao ang patay at marami ang nasugatan sa nangyaring malaking sunog sa gusali sa southern Taiwan.

Nagsimula ang 13-storey commercial and residential building sa Kaohsuing city.

Halos 400 na rescue workers naman ang ipinakalat para iligtas ang mga naninirahan sa gusali.

Tinatayang mahigit 100 residente at karamihan sa mga dito ay may edad na at kapansanan ang naninirahan sa nasabing nasusunog na gusali.

Inaalam pa ng mga otoridad ang naging sanhi ng sunog habang nagpaabot naman ng pakikiramay si Taiwan President Tsai Ing-wen sa mga pamilya ng mga nasawi.

-- Advertisement --