Nasa ikatlong araw na ngayon na mababa pa sa 5,000 ang naitatala ng Department of Health (DOH) sa daily tally makaraang maidagdag ang bagong 4,575 na mga COVID-19 cases.
Ang naturang bilang ay mas mataas kumpara sa nakalipas na dalawang araw.
Sa ngayon nasa 3,627,575 na ang kabuuang tinamaan ng virus mula noong taong 2020.
Ang bilang ngayon ng mga active cases bansa na umaabot sa 93,307 ang pinakamababa mula noong Jan. 7 ng taong kasalukuyan.
Samantala mayroon namang naitalang 7,504 na mga bagong gumaling.
Ang mga nakarekober sa sakit ay nasa 3,479,485 na.
Naitala rin ng DOH ang panibagong 94 na mga pumanaw.
Ang death toll sa bansa ay umaabot na sa 54,783.
Habang mayroon namang limang mga laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.
Sinasabing nasa 15.1% na ang positivity sa mga nahahawa sa coronavirus na siyang pinakamababa mula noong Dec. 30, 2021.