-- Advertisements --
NAGA CITY- Muling nakapagtala ng 45 new cases ng COVID-19 ang Bicol Region.
Sa datos na inilabas ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, napag-alaman na dahil sa 45 dagdag na kaso ng sakit, pumalo na sa kabuuang bilang na 1085 ang COVID-19 cases sa Rehiyon.
Sa 45 new cases, 12 ang mula sa Albay, 6 sa Camarines Sur, 12 sa Naga City, 1 sa Catanduanes habang 8 naman sa Sorsogon.
Sa ngayon, umabot na rin sa 567 ang kabuuang bilang ng active cases.
Samantala, naitala rin ang 17 new recoveries sa sakit habang 32 naman ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay sa naturang rehiyon dahil sa pandemya.